Posted by: junjeesj | July 28, 2009

Conviction of the Heart

isa ito sa mga paborito kong kanta.

naniniwala ako sa tawag ng Diyos. hindi ito nakikita ng mga mata, pero nararamdaman ng pusong may ugnayan sa Kanya.

nang umuwi ako noong Pasko, maraming mga kaibigan ang nagtanong kung bakit ako pumasok sa semenaryo. isa lang ang sagot ko. ako ay tinawag. paano ako tinawag? di man kapanipaniwala, pero ang Diyos ay nagsasalita. Narinig ko Siya at di ko kayang hindi sumunod sa tinig Niya.

buong puso kong pinaniniwalaan ang tawag Niya sa akin. hindi ko man mabago ang mundo, ngunit alam kong ang pagsunod kong ito sa Kanya ang siyang magbabago sa buhay ko at maaring makapagdulot ng kabutihan sa aking sarili, sa aking pamilya, sa aking komunidad, sa lahat ng mga nakapalibot sa akin. alam kong hindi madali ang pagsunod sa Kanya, pero ang paniniwalang ito ang laging naghahatid ng kapayapaan sa aking puso, at lakas upang gawin ang mga bagay na akala’y hindi kayang gawin.

lahat ay nagsisimula sa simpleng paniniwala… kung sa mundo, “to see is to believe,” sa ating pananampalataya, maniwala ka’t iyong makikita.

– Jun-G Bargayo, SJ –

Advertisements

Responses

  1. ang grasya ng Diyos ay higit pa sa ating inaasahan. ang hangarin ng puso natin ay pinapadalisay at tunay na nagkakaroon ng katuturan dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin. πŸ™‚

    tama ka dyan kapatid! lahat ay nagkakaroon ng katuturan dahil sa mga salita at larawan na likha ng Pag-ibig… sabi nga ni Aga at Aiko, “May Minamahal…” hehehe… πŸ™‚

    • wow! ang luma ng pelikula! pero, amen ako dun! πŸ™‚ lahat sana tayo in love! πŸ™‚

  2. ei kuya jun-g!! everyone has a different calling in life.. and yours is this.. to be a priest..khit nakakagulat at first being you as the only child and all.. hehehe.. at sayang ang lahing pagiging pogee.. hahaha! (libre mo ko nito.. hahaha!) perso as I saw it last MMC, you are trully at home where you are right now.. matagal na kitang kilala pero now ko lng nakita ang “glow” mo (hahaha!) and your really is at peace.. I’m so proud of you, I know this is not an easy step but proud ako kc you’re brave enough to accept your calling.. many are called but few answer it.. hehehe..

    Kung asa ka masaya, kuya jun-g, suportahan taka! hahaha!

    nice seeing you again last MMC… proud din ako sayo… you continue to be faithful in your service to God through SFC… at ang galing galing mo palang sumayaw…

  3. “alam kong hindi madali ang pagsunod sa Kanya, pero ang paniniwalang ito ang laging naghahatid ng kapayapaan sa aking puso, at lakas upang gawin ang mga bagay na akala’y hindi kayang gawin…”

    tunay ngang mahirap maniwala, mahirap magtiwala lalu na kung wala kang pinanghahawakan…dati yun ang pakiwari ko, siguro nga dahil hindi ko pa tuluyan nararamdaman ang klase ng pagmamahal nya na nakakapagbago. pero ngayon, wala nang duda talaga, tanging nais nya lang ay kung saan tayo lubos na sasaya… πŸ™‚ keep the faith, hope and love alive!

    tanging ang pagmamahal N’ya ang kaya nating panghahawakan… malayong malayo ang mararating natin kung ganoon.

    salamat sa pagbahagi!

    • Amen πŸ™‚ tunay nga, tanging pag-ibig nya lang ang kaya nating panghawakan….wala ng iba pa πŸ˜€ kakatuwa talaga kasi kung tatanawin ko, ang layo na pala ng pinagdalhan sakin ng Diyos ng pagmamahal nya. Salamat talaga sa Kanya at salamat din sa iyo. πŸ™‚

  4. haaaaay!!!
    parang may kumurot sa puso ko sa last phrase na “maniwala ka’t iyong makikita”

    sana nga…

    thanks sa pagdalaw πŸ˜€

    sino? o ano po ba ang kumurot sa puso n’yo?…
    salamat din po sa pagdalaw! πŸ˜‰

  5. congrats sa blog mo. thanks for showing it to me.
    m happy for you that u r so peaceful and happy with what u r doing now.

    salamat po! bisita po kayo dito lagi para mas masaya! hehehe… ang saya ko po ay nanggagaling sa inyong mga dasal…

  6. well said bro. πŸ˜€
    i like it. Gb.

    thanks bro!

  7. Kuya Jun-G! Sobrang nakakahawa ang conviction mo. If only more people will be convicted then truly Christ will be so alive today. You are still one of my inspiration. Hope God will also lead me to the right vocation. Please pray for me and my journey towards Him. Thanks. Godbless

    i am also inspired by you and your passion in your studies and service to God. kahit noon pa…

    i will pray for you and your wonderful journey towards Him. Please include me in your prayers too. πŸ™‚ salamat!

  8. thanks for showing this site to me Jun-G! πŸ™‚ it is indeed our pride too that we have a brother in FTW who pursued this happiness. “CONVICTION OF THE HEART” naaalala ko may kasama pa itong kanta na hilig mo din yung “FOR THE SAKE OF THE CALL”hehe. i would remember how you would lovely sing this with your heart out…but yeah, truly it is different when it’s heard and felt with sincerest love. i”m happy for you…you found your destiny!:) continue to be an inspiration…God Bless bro!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: