Posted by: junjeesj | May 18, 2009

Sa Bawat Lugar

Gustong gusto ko nang magsulat kagabi pa. Nakaharap na ako sa computer ngunit wala akong masulat. Siguro sa sobrang daming dinidikta ng aking utak, nawindang ako at di na makagalaw ang aking mga daliri para pumindot sa keyboards at bumuo ng mga salita, pangungusap at talata.

Ngayon, susubukan ko.

Kahapon lang ako dumating mula sa Mindanao kung saan ako pinadala para sa aking Summer apostolate. Maraming lugar sa Mindanao ang aking napuntahan. Nakarating ako sa Cagayan de Oro City, Malaybalay, Cotabato City, Maguindanao Province at Davao City. May iniwang alaala at mga bunga ng pagmumuni-muni sa aking puso at isip ang bawat lugar na aking napuntahan.

Sa Cagayan de Oro City, napagtanto ko ang kahalagahan ng suporta ng pamilya sa isang bokasyon. Inimbitahan kami na maghapunan sa bahay ni Neil (isa sa mga batchmates ko sa Kapisanan). Daming handa. Nanduon ang kanyang ina at panganay na kapatid. Naaliw ako sa mga kuwento ng ina ni Neil. Habang nakikinig ako sa kanya, sabi ko sa sarili, “Ang swerte naman ni Neil.” Swerte sya kasi supurtado siya ng kanyang mga magulang. Sigurado akong isa ito sa mga nagpapalakas ng kanyang bokasyon.

Sa Malaybalay, napagwari-wari ko na napakarami pa palang bagay ang dapat kong malaman. Para kasi kaming nag-aaral duon ng Sociology. Sa loob ng isang linggo, nakiking kami kay Pedro (ang paring direktor ng Environmental Science fo Social Change – ESSC) ng lectures tungkol sa Social Analysis, kung ano ano ang mga ginagawa ng ESSC, paano ito nakakatulong sa bansa, at ano ang kaugnayan nito sa aming buhay Heswita. Bago sa akin ang halos lahat ng kanyang mga sinabi. Natuwa naman ako kasi nakita ko sa sarili ang kagustuhang matuto. Sabi ko, “Kailangan ko pang matuto, kasi kung marami akong alam, maaring marami rin ang aking maibibigay sa kapwa, lalong lalo na sa mga mahihirap.”

Sa Cotabato City at Maguindanao Province ko nakita ang kabuluhan ng pagkakaisa. Iba’t ibang mukha ng Pilipino ang aking nakasalamuha sa loob ng dalawang linggo. Sa Renti, Upi, naroon ang mga Teduray (mga lumad). Sa Tubuan, Datu Blah Sinsuat (DBS), naroon ang mga Maguindanaon. Sa Matuber, DBS, naman ay tri-people: Teduray, Maguindanaon at Dumagat (settlers). Maraming nagsasabi na mahirap pagsamahin ang tri-people. Pero, maari pala itong mangyari. Nasaksihan ko ito sa mga lugar na aking napuntahan, lalo na sa Matuber.

Mayaman sa kultura ang Pilipinas. Minsan nga lamang hindi nagkakatagpo ang mga prinsipyo at ang mga pinaglalaban ng bawat cutural group. Ito ang madalas na dahilan ng away at sa kasawiang palad patayan at digmaan. Naantig ako sa sinabi ni Pedro. Sabi nya, “ESSC, though it is a Christian institution, it is not there in places that are predominantly non-Christian to evangelize but to dialogue.” Totoo. Kailangan na kailangan ang dialogue. Kung may pag-uusap, may pagkakaunawaan… kung may pagkakaunawaan, may pagkakasundo… kung may pagkakasundo, may pagkakaisa… at kung may pagkakaisa, tiyak na may kapayapaan at kaunlaran.

Bonus at narating namin ang Davao City. Pahinga at laboy ang ginawa namin duon. Sa loob ng isang araw, nakapagbeach at nakapagtour kami. Isa lang ang klaro sa akin, cliche man, kailangan ng tao ang magpahinga paminsan minsan para hindi mapagod ng lubusan at sumuko sa paglilingkod sa kapwa.

Natapos ang aking Summer Apostolate na punong puno ang aking kalooban ng saya at pasasalamat. Marami na naman akong panghuhugutan ng lakas sa mga darating na araw, buwan at taon.

Maraming salamat po sa lahat ng mga taong aking nakatagpo. Salamat sa pagkakaibigan, sa
kuwentuhan at tawanan, sa pagtiwala, sa pagpatuloy at pagpakain sa amin. Salamat sa mga hindi malilimutang karanasan.

Maraming salamat sa bawat lugar na nag-iwan ng bakas ng pagmamahal sa sarili, sa kapwa, sa bansa, sa mundo at sa Kanya.

– Jun-G Bargayo, SJ –

Advertisements

Responses

  1. Coolness!! Gusto ko din po ng ganyan brother, ung magpupunta sa mga lugar at tumulong sa mga tao.

    I’m glad that you’ve learned a lot, lahat nmn tayo deserves to learn more to share more.

    Galing galing! Godbless those people you’ve met and who helped you. Ciempre Godbless u too bro! For the greater Glory of God!

    thank you.. thank you…
    amen! for the greater glory of God!

  2. maraming salamat din.. sa maikling sandali na inyong pinagpalagi dito sa Mindanao nakatagpo ako ng bagong kaibigan… salamat sa pakikinig… salamat sa pagpapaiyak at pagpapatawa sa akin… salamat sa mga payo… salamat…

    basta ikaw! salamat din po!

  3. nakakatuwa naman po ang inyong summer exposure.ü isa po sa napansin ko, ang mga tao sa Davao ay napaka-hospitable, napaka-welcoming.
    ano po pala yung ESSC? sa kwento nyo po eh mukhang mahalaga nga po syang matutunan.

    God bless po!

    hi vergel!

    ESSC (Environmental Science for Social Change) is a Jesuit institution which focus are: good governance (eg., facilitate barangay development planning…), poor alleviation efforts, environmental stewardship, culture regeneration…

    hahaba to kung ipapaliwanag ko ito ng todo-todo… hahaha…

    thanks.

    ayo-ayo

    • tumpak! hehehe…

  4. maganda ang share muh nakakainspire
    nawa dumami ang mga ganjan ingat lagi godbless u

    salamat po…

  5. maay mga kwento pa sana para sa mga gusto magmadre para marami ang mainspire na kabataan

    hi arcelie! alam ko maraming kwento dito para sa mga kabataang gustong magmadre… ang problema ko, wala akong site na mairerecommend… sorry po… pero, pagmatagpo po ako ng isa, ipapaalam ko agad sayo. promise!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: