Posted by: junjeesj | May 4, 2009

Pacquiao Moment

Ako at si Philip, mga taga-tubuan, nanonood ng laban ni pacman

Ako at si Philip, mga taga-tubuan, nanonood ng laban ni pacman

sa barangay ng tubuan, datu blah sinsuat, pagdating ng ala una ng hapon, lahat ay nasa isang ‘kiosk’ para hintayin ang laban ng pambansang kama-o. bata man o matanda, lalaki man o babae, lahat inaasam mapanood ang laban ni pacquiao.

ang tubuan ay isang ‘coastal’ barangay, matatagpuan sa moro sea. walang signal ng ‘celphone’ duon. walang kuryente. tubuan elementary school ang natatanging paaralan. mga muslim ang naninirahan doon. may mga higit kumulang na 89 ‘household’. makakarating ka lamang dito sa pamamagitan ng ‘pump boat’. mga 45 min ‘boat ride’ from tapian. para makarating sa tapian, sasakay ka ng motor. mga higit isang oras din yun mula sa cotabato city.

paano kami nagkaroon ng kuryente mapanoond lang ang laban ni pacman? gamit namin ang nag-iisang ’14” black and white tv’ sa barangay. nakasaksak ito sa isang baterya. talagang pinaghandaan ito, mapanood lamang ang pinakahihintay na laban.

kinakanta palang ni martin nievera ang lupang hinirang, ramdam ko na na ‘proud na proud’ ang mga kasama kong nanonood. sigawan ng panggagalaiti ang maririnig mo sa tuwing pansamantalang pinuputol ang laban dahil sa mga patalastas.

‘first round’. tutok na tutok ang lahat sa tv. sigawan sa tuwing tinatamaan ng kama-o ni manny si ricky. dawalang beses natumba si ricky.

‘second round’. sigawan sa tuwa nang matumba si hatton at hindi na nakabangon.

tuwang tuwa ako sa aking nakita. hindi lang sa panalo ni pacquiao kundi sa pakikiisang tuwa ng mga taga-tubuan sa pagkapanalo ni pacquiao. isa ito sa mga pagkakataong makakita ng mga pinoy na pinagmamalaki ang pagiging pinoy. ito ang kailangan natin para mapag-isa ang pilipinas. pagkatapos ng labas, lahat pina-uusapan ang pagkapanalo ng bansa sa katauhan ni manny pacquiao. alam kong hindi lang ito sa tubuan nangyayari, buong bansa nagdidiriwang sa mga panahon na iyon.

salamat sa isang oras na panonood ng laban ng bansa. himinto ang kilos sa tubuan. sa buong pilipinas. di alintana ang bagyo. di alintana ang hidwaan sa isa’t isa. pacquio ‘moment’ isa itong tikim ng buhay sa paraiso. lahat masaya. lahat nagdidiwang. lahat nagkakaisang sinisigaw, MABUHAY ANG PILIPINAS! MABUHAY!

Advertisements

Responses

  1. Talga namang proud na proud ang bawat pinoy kay Pacman, nakakatuwang tingnan na nagkakaisa ang mga pinoy sa mga ganitong pagkakataon. Napanood ko din sa CNN kung pano nagcecelebrate ang mga pinoy ng manalo si pacman, kakaiba nga daw! hahaha..

    Godbless Pacman, Godbless Philippines!

    • Kakatuwa lang to realize that we need pacquiao moment to see the potential of our country to be united and proud as a Filipino… thanks to pacquiao… hehehe… my prayer is that may every Filipino see the beauty behind pacquiao’s victory… actually, his victory could also be OUR victory… let’s learn from pacman. We need to be fast and strong. Fast in grabbing opportunities. Strong in order to fight biases, discrimination, selfish intentions, cruelty, dishonesty and all other kinds of evil. We can do this together as a Filipino. Round one. pwede rin natin tapusin ang laban sa round two. All depends on us.

  2. […] https://junjeesj.wordpress.com/2009/05/04/pacquiao-moment/ […]

  3. […] https://junjeesj.wordpress.com/2009/05/04/pacquiao-moment/ […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: