Posted by: junjeesj | August 17, 2008

PIANO

1 Siyam na taon ako noon.

2 Beautiful Girl ni Jose Mari Chan ang una kong natutuhang tugtugin sa piano. Noong marinig ito ng aking ama, kitang-kita ko ang kanyang pagkatuwa. Dinala niya ako sa isang music school para mag-aral.

3 Simula noon, halos gabi-gabi kong napapanaginipan ang isang piano concert kasama sina Ryan Cayabyab at ang 14K. Maging sa araw, lagi akong tulala at ang concert na ito ang laging laman ng aking isip.

4 Noong unang araw ko sa music class, nagpakitang-gilas ako sa aking teacher. Tinugtog ko ang natatangi kong alam na piyesa. Sabi ng guro ko hindi na daw ako bagito. Tuwang-tuwa naman ako.

5 Laging puno ng sigla ang araw ko kapag araw ng music class. Mabilis akong natuto at matapos ang dalawang buwan, nagkaroon agad ako ng recital. Kasiyahan kong tugtugin ang aking piyesa na walang mali. Proud na proud si Papa.

6 Pagkaraan ng isang linggo, bumili si Papa ng bagong piano. Bininyagan ito ng mga patak ng aking luha habang sinusubukan ko itong tugtugan. Sa loob-loob ko, di-magtatagal, ako na ang aakumpanya kay Jolina Magdangal ng 14K. Niyakap ko si Papa at nagpasalamat. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin at halos abot-langit ang aking galak.

7 Paggising sa umaga nakaugalian ko nang umupo sa piano upang punasin ang alikabok nito bago tipain. Pagkadating mula sa eskwela, ito rin ang aking naging kaulayaw, sa halip na makipaglaro ng sipa sa mga kaibigan ko. Mahal na mahal ko ang aking piano.

8 Pagkaraan ng ilang buwan, unti-unting nalugi ang negosyo ng aking mga magulang. Nalulong sa sugal si Mama at nabaon kami sa utang.

9 Unang nabenta ang farm. Sumunod ang bahay. Sumunod ang sala set, ang aparador, ang refrigerator, ang kama. Isang umaga, ginising ako ni Papa. Sabi niya, “Pwede ba nating hiramin ang iyong piano para mabayaran ang nalalabing utang natin?” Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng luha. Ang tanging nasabi ko, “Kayo po.” Parang dahan-dahang tinatapyas ang aking mga pangarap. Dahan-dahang nawawala ang pag-asang bumubuhay sa akin. Humahagulgol ako. Niyakap ako ni Papa.

10 Simula noon, hindi ako nakakain. Hindi ako napakali. Hindi rin ako pumasok sa school. Hindi nakatulog. Iyak nang iyak. Kukunin na ang aking piano.

11 Isang oras bago kunin ang aking piano, sinubukan kong tugtugin ang aking mga kinabisang piyesa. Tinugtog ko ang Beautiful Girl kasabay ng pagdaloy ng aking luha. ‘Yun na pala ang huli kong tugtog.

– Jun-G Bargayo, SJ –

Advertisements

Responses

  1. Hey! You write well. 🙂 Sulat lang nang sulat.

  2. salamat po!

  3. Jun-g, it’s been a long time. Sobrang busy lang talaga ako kaya di ko na masyado navivisit etong blog mo. Anyway, i’m surprised to find out that you also play the piano. very versatile huh. ako rin, frustration ko ang magpiano. nagenroll nga ako ng piano class, basic lang. after 12 weeks, hmmm di ko alam kung may natutunan ako. may keyboard nga sa bahay, di ko nagagamit eh. pero at least now, malapit na ang vocprom ofc sa jmm kaya anytime pwede ka makigamit. well, keep on writing, keep on composing, keep on playing.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: