Posted by: junjeesj | June 30, 2008

KAY HIRAP MAGSULAT

1 Kilala ko ang sarili. Alam kong kulang na kulang ang aking kakayahang magsulat. Parang sasabog ang aking utak sa kakaisip kung ano ang isusulat. Tila mga dahong tuyo ang mga paksa na isinasaburayray ng pilyong hangin. Wala akong mahuli ni isa sa mga ito. Tila mga laog na pusa ang mga salita na kumakaripas kapag nilalapitan ng aking mapanugis na isipan. Wala akong mabuong pangungusap. Ngunit sa gabing ito, kailangan kong tapusin ang isang sanaysay. Isa itong parusa.

2 Kinuha ko ang aking kuwardernong nangangamoy pang National Bookstore. Inilatag ito sa mesa. Binuklat. Inabot ko ang lapis at inipit sa pagitan ng aking ilong at nakangusong labi. Ininut-inot ko ang aking sarili. Huminga ako nang malalim… isa… dalawa… talto… apat…. at paulit-ulit. Sampung minuto na ang lumipas; wala pa akong naisusulat.

3 Kay hirap magsulat.

4 Sinubukan kong isa-isahin sa aking isipan ang aking mga nakahiligan sa pag-asang makasagi ng paksang maging gatilyo sa aking pagkikipagdigma sa larangan ng pagsusulat. Ngunit bigo ako. Dahan-dahang nang inihahampas ng aking kamay ang lapis sa mesa. At tanging ang kumpa nito ang naririnig. Sinasakop ng tunog nito ang mumunting pitak ng aking utak. Mala-kwago na akong nakatitig sa unang pahina ng aking kwadernong wala pa ring nailalapat na kahit man lamang isang malabuhanging tuldok. Dalawampung minuto na ang lumipas; wala pa akong naisusulat.

5 Kay hirap magsulat.

6 Tatlumpong minuto na ang nakalipas. Wala ni isang karanasan ang humulagpos sa kaban ng aking alaala. Tulog na tulog ang aking isipan. Dumaan man ang panaginip, wala itong kamalay-malay sapagkat malalim ang pagkahimbing nito. Lumulutang ang diwa ko sa karagatan ng kadiliman. Hindi puwede ito, sabi ko sa sarili. Tumayo ako at iniunat ang aking katawan. Tinungo ko ang lababo at naghilamos. Tiningnan ang mukha sa salamin. Nakita ko na nagising ang aking kamalayan. Dali-dali akong bumalik sa upuan, dala-dala ang naiibang sigla sa utak. Ramdam ko sa aking kaloob-looban ang mauyad na pag-usbong ng binhing nagmumula sa puno ng makata.

7 Di-nagtagal, sinubok kong ipanulat ang aking lapis. Aba! Napawi ang aking pagkainis sapagkat sa wakas mayroon na akong naisusulat. Tila mga paruparong sumasalipadpad ang mga salita mula sa kalatagan ng aking kuwaderno. Isa… dalawa… tatlo… apat… at maraming pangungusap na ang aking naisusulat.

8 Wala ngang limang minuto, nabuo ko ang isang sanaysay, “Kay hirap magsulat.”

– Jun-G Bargayo, SJ –

Advertisements

Responses

  1. jun-g, eto ba ang assignment nyo sa Filipino? in fairness matalinghaga ang mga pangungusap. talagang naiiba ka! 🙂

  2. yupyup… first draft… hope to finish the final one… hehehe… salamat sa affirmation… hehehehe…

  3. Mahusay! Isa ka na ngang ganap na manunulat kaibigan! Ipagpatuloy mo lang, para sa kapurihan ng Diyos AMDG!

    Kumusta nalang sa lahat!

  4. ma’idyoma mxado ahh!!haha were expecting too much from your article!!!kaloka ka!!yun lng pla yun haha but we learned one thing expecting too much is one way of hurting your self!!haha noh konek??haha ala lng masabi lng hehe!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: